Kagawarang-bansa ng Kaligtasan ng Pagkain at Gamot
Kagawarang-bansang Kaligtasan ng Pagkain at Gamot Pambansang Surian ng Pagtatasa ng Kaligtasan ng Pagkain at Gamot
(1)
Pangmatris na Instrumentong Panlabanlihi
Mga ligtas na paraan ng paggamit
(2)
Ano ang Pangmatris na Instrumentong Panlabanlihi?
Panlabas na anyo ng produkto
Pagkatapos ng pamamaraan
*Pangmatris na Instrumentong Panlabanlihi
-Isang hugis T na panlabanlihing instrumentong medikal na itinatapon matapos gamitin, ipinapasok sa loob ng matris
-Pinipigilan ng tansong sangkap na nasa instrumento ang pagpupunla sa pamamagitan ng pagpapahina ng pababang paggalaw ng mga itlog at tamod.
(3)
Huwag gumamit ng Pangmatris na Instrumentong Panlabanlihi sa mga sumusunod na kaso!
Nangangailangan ang instrumentong ito ng sapat na konsultasyon sa iyong manggagamot bago ang paggamit nito!
-Sa panahon ng pagbubuntis
-Malubhang impeksyon sa o pamamaga ng balakang
-Malubhang makalamang sakit o impeksyon sa ari ng babae
-Pagdurugo ng kaluban sa hindi matiyak na mga kadahilanan
-Malalang tumor sa bungad ng matris
-Kasaysayan ng pagbubuntis sa labas ng matris
-Kasaysayan ng agas dahil sa pamamaga sa loob ng nakaraang tatlong buwan
-Kasaysayan ng makalamang sakit sa loob ng nakaraang 12 buwan
-Kasaysayan ng reaksyong hindi pagkahiyang sa tanso
-Endometritis pagkatapos ng panganganak
-Pangbalbulang sakit sa puso, diperensya sa pamumuo, sumasailalim sa teraping kontra-pamamaga, anomalya sa matris
*Iba pang mga sakit
(4)
Mga masamang epektong maaaring maranasan habang gumagamit ng Pangmatris na Instrumentong Panlab
-Pagbubuntis, anemya, pagdurugo
-Lagnat o ginaw
-Pananakit ng baywang o ibabang bahagi ng tyan
-Paglalabas o pagkasira ng instrumento
-Mas malakas na pagreregla o paglalabas ng kaluban na may kasamang masangsang na amoy
(5)
Mga Pag-iingat Pagkatapos ng Pamamaraan ng Pagpasok ng Pangmatris na Instrumentong Panlabanlihi
-Sa loob ng isang linggo matapos ang pagpasok, maaaring makaranas ng mas ma habang panahon ng pagreregla, abnormal na pagdurugo, o pamamantal.
☞Kung hindi humuhupa ang mga sintomas, agad na bumisita sa pagamutan.
-Pagkatapos gamitin ang instrumento sa loob ng limang taon sa karaniwan (inir ere komendang panahon), tanggalin o palitan ang instrumento sa pamamagitan ng pag bisita sa pagamutan.
☞Hindi mababawasan ang panlabanlihing kakayahan kung patuloy itong gagamitin, nguni't maaaring tumaas ang panganib ng mga masamang epekto tulad ng sakit na pamamaga ng balakang.
-Kung maranasan ang mga sumusunod na masamang epekto, agad na bumisita sa pagamutan para sa suring-aral ng manggagamot.
· Paglitaw ng mga sintomas ng pagbubuntis tulad ng pagduruwal at pananakit ng suso
· Abnormal na pagdurugo o mas malakas na paglalabas ng kaluban na may kasamang masang sang na amoy
· Paglitaw ng mga sintomas tulad ng kirot (kabilang ang pananakit ng tyan), lagnat, at ginaw
(6)
Interesado ako tungkol sa paggamit ng Pangmatris na Instrumentong Panlabanlihi!
Q1. Sino ang dapat gumamit ng Pangmatris na Instrumentong Panlabanlihi?
A1. Nababagay ito sa mga babaeng hindi makainom o ayaw uminom ng mga tabletas na supil-supling.
Q2. Mapipigilan ba ang impeksyong makalaman tulad ng AIDS kung gagamit ng Pangmatris na Instrumentong Panlabanlihi?
A2. Hindi. Hindi mapipigilan ng paggamit ng Pangmatris na Instrumentong Panlabanlihi ang impeksyong makalaman o mga sakit na naisasalin sa pamamagitan ng pakikipagtalik.
Q3. Habang ginagamit ang Pangmatris na Instrumentong Panlabanlihi, gaano kadalas ko kailangang sumailalim sa regular na pagsusuring pisikal?
A3. Upang kumpirmahin ang lokasyon ng instrumento at ang pagkakaroon ng mga masamang epekto ng Pangmatris na Instrumentong Panlabanlihi, kailangan mong sumailalim sa regular na pagsusuri pagkatapos ng isang buwan, tatlong buwan,
anim na buwan, labindalawang buwan at kada taon pagkatapos sa
pamamagitan ng pagbisita sa pagamutan.
*Gayunpaman, kung hindi humuhupa ang mga abnormal na sintomas tulad ng pananakit ng tyan, agad na bumisita sa pagamutan para sa suring-aral ng manggagamot.