나의 의료기기

(1) Paano Gumamit ng Pangpuking Panlinis Sagutin ang iyong mga tanong tungkol sa paano gumamit ng Pangpuking Panlinis! (2) Alamin natin ang tungkol sa pangpuking panlinis Pangpuking Panlinis luri ang aparatong panlinis ng puki sa mga uring bote at hawakan *Ang aparatong ito ay hindi para sa pagpigil sa pagbubuntis. Maaaring mayroon itong ahenteng panlinis. Uring Bote Uring Hawakan (3) Paano ang Paggamitng Pangpuking Panlinis 01. Uring Bote -Pagkatapos buksan ang pakete ng produkto, tingnan kung may anumang sira sa produkto bago gamitin -Idiit ang dulo ng nguso sa pasukan ng puki. -Palubayin ang iyong mga kalamnan, dahan-dahang ipasok ang nguso pataas nang nakahilig. -Diinan ang sisidlan upang lubos na magpakawala ng likidong panlinis. -Dahan-dahang tanggalin ang nguso ng sisidlan mula sa puki. Nguso Tubo (4) Paano gumamit ng pangpuking panlinis 02. Uring hawakan -Pagkatapos buksan ang pakete ng produkto, tingnan kung may anumang sira sa produkto bago gamitin. -Kung may takip ang produkto, tanggalin ang takip sa pamamagitan ng pagpihit nang bahagya. -Hawakan ang panlabas na sisidlan, bahagyang ilagay ang iyong hintuturo sa hawakan at ipasok ang aparato sa puki habang pumupuwesto nang tama para sa mas madaling pagpasok -Bahagyang diinan ang hawakan nang isang beses at iturok ang solusyong panlinis -Dahan-dahang tanggalin ang panlabas na sisidlan mula sa puki. Takip Panlabas na sisidlan Pangtulak (5) Mga pag-iingat habang gumagamit ng pangpuking panlinis -Maghugas ng mga kamay bago gamitin -Bago gamitin, basahin ang mga paglalarawan kung paano linisin at ng itinalagang solusyong panlinis ng tagagawa. -Iwasang masugatan ang puki o ang nakapaligid na sihayan -Kumonsulta sa iyong doktor kung ikaw ay buntis o may posibilidad ng pagbubuntis -Kung nakararanas ka ng mga abnormal na sintomas tulad ng pamamaga sa loob ng puki, kumonsulta sa iyong doktor bago gamitin. -Kung nakararanas ka ng mga masamang epekto, tulad ng mga pulang batik at pangangati, ihinto ang paggamit at kumonsulta sa iyong doktor. (6) Mga pag-iingat sa pagpapanatili ng pangpuking panlinis -Buksan bago gamitin -Kailangan ng pag-iingat kapag ginagamit ng menor de edad ang aparato -Ipagbawal ang paggamit muli ng mga produktong itinatapon pagkatapos gamitin nang minsan -Itago sa isang malinis na lugar. Iwasang maabot ng mga bata (7) Maikling pagsusulit sa OX Q. Mabuti ba ang madalas na paggamit ng pangpuking panlinis? X -Maaaring maapektuhan ng madalas na paggamit ang mga mabuting mikrobyo at makasagabal sa pagpapanatili ng kaasiman sa loob ng puki, kaya konsultahin muna ang iyong doktor bago gamitin -Mangyaring konsultahin ang iyong doktor at basahin ang mga paglalarawan ng produkto para sa mas ligtas at epektibong paggamit ng produkto. *Hindi