Kagawarang-bansa ng Kaligtasan ng Pagkain at Gamot
Pambansang Surian ng Pagtatasa ng Kaligtasan ng Pagkain at Gamot
(1)
Pangbomba ng Suso Paano sila gamitin nang tama!
(2)
Alamin natin ang tungkol sa mga pangbomba ng suso!
Ano ang pangbomba ng suso?
Ito ay isang aparatong dinisenyo upang magbomba ng gatas ng ina mula sa mga nanay. May mga manu-mano at dekuryenteng uri ng mga pangbomba ng suso.
Manu-mano
Dekuryente
-Ano ang dapat hanapin kapag bumibili ng pangbomba ng suso
· Kapag bumibili ng dekuryenteng pangbomba ng suso, tingnan ang bilang ng sertipikasyon.
· Kapag bumibili ng manu-manong pangbomba ng suso, tingnan ang bilang ng pagpaparehistro.
(3)
Mga bagay na dapat tingnan bago gumamit ng pangbomba ng suso
-Linising mabuti ang iyong mga kamay, at tuyuing maigi ang mga ito bago hawakan ang pangbomba ng suso.
-Siguraduhing malinis ang pangbomba ng suso at walang anumang karumihan bago magbomba ng gatas ng ina.
-Siguraduhing lahat na bahaging dumadait sa gatas ng ina ay dumaan sa masusing paglilinis at sanitasyon.
-Buuin ang pangbomba sa pamamagitan ng pagkakabit ng imbudo, pampigil ng pabalik na daloy, at bote ayon sa mga tagubiling nakasulat sa manwal.
(4)
Paano gamitin ang pangbomba ng suso
-Siguraduhing nakapuwesto ang iyong utong sa gitna ng imbudo bago mo buhayin ang pangbomba.
-Panatilihin ang tamang tindig upang maiwasang dumaloy pabalik ang gatas ng ina.
-Magsimula sa mababang presyon, at dagdagan ang presyon nang dahan-dahan hanggang makaramdam ka ng kaunting paghihirap, at saka bawasan ang presyon. Isaayos ang presyon at bilis ng pangbomba nang naaangkop
-Ang isang sesyon ng pagbobomba ng suso ay karaniwang tumatagal ng sampu hanggang labinlimang minuto, bagama't maaari itong mag-iba kada indibidwal.
Gamitin lamang ang pangbomba hangga't nananatiling maganda ang pakiramdam mo.
-Kapag tapos ka nang magbomba ng gatas ng ina, patayin ang pangbomba at kalasin ang pangbomba sa pamamagitan ng pagpasok ng daliri sa pagitan ng imbudo at suso.
(5)
Mga bagay na dapat tandaan kapag gumagamit ng pangbomba ng suso
-Tingnan ang tagubilin upang matutuhan kung paano ang paggamit, pagkalas, pagbuo, paglilinis, at sanitasyon ng pangbomba ng suso.
-Kung ang pangbomba ay may pampigil ng pabalik na daloy, tingnan ang pampigil nang madalas at alisin ang anumang natirang gatas.
-Huwag gumamit ng dekuryenteng pangbomba ng suso kapag natutulog o inaantok.
-Huwag gumamit ng pangbomba ng suso kapag puno na ang bote upang maiwasang dumaloy pabalik ang gatas ng ina.
-Mag-ingat sa kontaminasyong bumabagtas kapag pinapagamit ang pangbomba ng suso sa ibang (mga) tao.
-Agad na bumisita sa pagamutan sakaling may kirot o peklat habang ginagamit.
(6)
Ano ang dapat gawin sakaling magkaroon ng pabalik na daloy!
-Agad na ihinto ang pangbomba ng suso kapag nakita mong dumaloy pabalik ang gatas ng ina sa pangunahing bahagi ng aparato.
-Kalasin ang imbudo at tubong goma upang alisin ang anumang gatas ng ina.
-Kung may suspetsa ng pabalik na daloy, ihinto ang paggamit ng pangbomba ng suso at agad na magtanong sa tindero.
(7)
Mangyaring alagaan ang iyong pangbomba ng suso gaya nito!
-Hugasang maigi ang iyong mga kamay bago gumamit.
-Itago agad sa pridyeder ang lahat ng gatas ng ina.
-Isagawa agad ang paglilinis at sanitasyon ng pangbomba ng suso pagkatapos gamitin.
-Patuyuin sa hangin ang pangbomba ng suso imbes na tuyuin gamit ang tuwalya.
-Itago ang pangbomba ng suso sa isang imbakang kahon o malinis na lugar pagkatapos tuyuin ito nang maigi.
*Paano isagawa ang sanitasyon
Kalimitan ang pagpapakulo sa tubig sa loob ng tatlo hanggang limang minuto ay isang mabuting paraan ng sanitasyon. Gayunpaman, ang iba-ibang materyales ay maaaring mangailangan ng iba-ibang paraan ng sanitasyon, kaya siguraduhing tingnan ang manwal para sa mga pinakamainam na paraan ng sanitasyon,